BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Thursday, November 5, 2009

Hindi po ito joke,, Ito po ay real story na sana ay madama nyo!

Istorya ng p***


Tingin ng mga bobong kapitbahay ko PUTA daw ako.
Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila ako daw ang pinakamaganda at
pinakasikat sa aming lugar noon. Ang bango-bango ko daw, sariwa at
makinis. Di ko nga alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang
kinabukasan ko.

Tara makinig ka muna sa kwento ko, yosi muna tayo.

Alam mo, maraming lumapit sa akin, nagkagusto, naakit.
Ang hirap pag lahat sa iyo virgin eh. Tinanggap ko naman silang
tao, bakit kaya nila ako ginago?
Masakit alalahanin, iniisip ko na lang na
kase di sila taga rito, siguro talagang ganoon. Tatlong
malilibog na foreigners ang namyesta sa katawan ko, na-rape daw ako.

Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di ko
makakalimutan. Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari,
hinahanap-hanap ko siya. Tinulungan nya kasi akong makalimutan yung
mga sadistang Hapon at Coñotics.
Kase, ibang-iba ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing
ginagamit niya ako. Ibang klase siya mag-sorry, lalo pa at kinupkop
niya ako at ang mga naging anak ko.

Parating ang dami naming regalo - may chocolates, yosi, ano ka! May
datung pa! Nakakabaliw siya, alam kong ginagamit nya lang ako pero
pagamit naman ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan
mag-inggles, di lang magsulat ha! Magbasa pa! Hanggang ngayon, sa
tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. 'Yun nga
lang, lahat ng bagay may kapalit. Nung kinasama ko siya, guminhawa
buhay namin. Sosyal na sosyal kami.

Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya.
Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya
akong pinapatay. PU** ng IN*! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa
katawan ko, muntik na akong malaspag. Ang daming nagsabi na ang
tanga tanga ko. Patalsikin ko na daw. Sa tulong ng mga anak ko,
napalayas ko ang animal pero ang hirap magsimula.

Masyado na kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa
kanya. Lubog na lubog pa kami sa utang, kulang ata pati kaluluwa
namin para ibayad sa mga inutang namin.

Sinikap naming lahat maging maganda ang buhay namin.
Ayun, mga nasa Japan, Hong Kong, Saudi ang mga anak ko. Yung iba
nag-US, Europe. 'Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala
naman silbi, masaya daw sa piling ko, maski amoy usok ako.

Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan
namin, siya din ang dami ng mga anak ko na namamantala sa kabuhayan
at kayaman na itinatabi ko para sa nasirang kinabukasan naming
lahat. Dumating ang panahon na di na kami halos makaahon sa hirap
ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap.

Ang di ko inaakala ay mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa
akin. Napakasakit tanggapin na malinlang.
Akala ko ay makakakita ako ng magiging kasama sa buhay sa mga ahas
na ipinakilala ng mga anak ko Hindi pala.
Ang tanga ko talaga. Binugaw ako ng sarili kong mga anak kapalit ng
kwarta at pansamantalang ginhawa na nais nilang matamasa.

Wala na akong nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa aking mga
anak. Wala akong ibang yaman kundi ganda ko. Pinagamit ko na lang
ng pinagamit ang sarili ko, basta maginhawa lang ang mga anak ko.

Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May nanghihinayang, namumuhi
at naaawa. **** na kase ang isang magandang tulad ko.

Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki
talaga ng letseng utang ko eh. Palaki pa ng palaki. Kulang na
kulang. Paano na lang ang mga anak ko naiwan sa aking kawawang
puder? Baka di na ako balikan o bisitahin ng mga nag-abroad kong
mga anak.
Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko, madama ko lang
ang pagmamahal ng mga anak ko. Malaman nila na gagawin ko ang lahat
para sa kanila.

Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin ako.
Meron pa din ang bilib sa akin. Napapag usapan pa din. Sa tuwing
nakikita ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko.
Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling
nga ng mga anak ko, namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay
sa kahit anong gawin. Tama man o mali. Proud ako sa kanila. Kaso
sila, kabaligtaran ang nararamdaman para sa akin.

Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakit sa akin. May
malasakit man, nahihilaw. Ni di nga ako kinikilalang ina. Halos
lahat sila galit sa isa't isa. Walang gusto magtulungan,
naghihilahan pa. Ang dami ko ng pasakit na tiniis pero walang
sasakit pa nung sarili kong mga anak ang nagbugaw sa akin.
Kinapital ang laspag na ganda ko. Masyado silang nasanay sa sarap
ng buhay. Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga
kilala sarili ko.

Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng mga anak ko.
Isang buwan pa, magbabagong taon na.
Natatakot ako sa taong darating. Ngayon pa lang usap usapan na ang
susunod na pagbubugaw ng ilan sa mga anak ko. Sana may magtanggol
naman sa akin, ipaglaban naman nila ako. Gusto kong isigaw:
"INA NINYO AKO!
MAHALIN NYO NAMAN AKO!"

Sige, dumadrama na ako. Masisira na ang make up ko nito eh.
Salamat ha, pinakinggan mo ako.

Ay sorry, di ko nasabi pangalan ko.

Pilipinas nga pala.

Wednesday, October 21, 2009

Jose Mari Chan - Christmas In Our Hearts

Christmas In Our Hearts
Track List

   1. A Wish On Christmas Night
   2. Do You Hear What I Hear
   3. Mary's Boy Child
   4. Christmas In Our Hearts
   5. A Christmas Carol
   6. A Perfect Christmas
   7. Give Me Your Heart For Christmas
   8. This Beautiful Day

   

   9. The Sound Of Life
  10. Christmas Children
  11. Little Christmas Tree
  12. When A Child Is Born
  13. It Is The Lord!
  14. The Lord's Prayer
  15. Count Your Blessings (Instead of Sheep)
  16. May The Good Lord Bless and Keep You


Photobucket
Rar Paswword: Alfie

Friday, October 2, 2009

Magalang na Pedro


5 taon gulang si Pedro wala pa kamuwang-muwang sa paligid dahil minsan lang makalabas ng bahay. Isang araw isinama sya ng yaya nya patungo ng simbahan upang imbitahin si father Siksto sa kanilang tahanan. Samantalang pauwi na sila galing sa simbahan ay nakaririnig si Pedro ng mga bagong salita.

Pedro: Yaya ano yung sabi nung ale putangina mo?

Yaya: (nagiisip) naku bakit ba naisama pa ito..

Yaya: Ahh ano, ibig sabihin nun eh magmamano sa nakatatanda.

Pedro: Eh ano naman yung sabi nung isang bata magdyakol ka?

Yaya: Sus, ano ba yan. Ah ano ibig sabihin nun umupo ka!
Patuloy pa ang paglalakad nila pauwi at patuloy rin ang mga naririnig ni pedro na kakaiba sa kanya.
Pedro: Yaya, ano yung uten?

Yaya: Ano yun, ah tungkod.

Pedro: Eh yung nagkakantutan?

Yaya: Ay naku, ano natutulog.
Nakarating na sila sa bahay na laking luwag sa kalooban ni yaya. Pagdating ng hapon may kumakatok sa pinto ng bahay, si father Siksto, may hawak na tungkod dahil sa rayuma. Pinagbuksan iyon ni Pedrong nasa isip pa ang mga bagong salitang natutunan nya. Sa kagustuhang magbigay galang hinangad nitong magmano kay father.

Pedro: Putangina nyo po father..

Father: Ano?!@#?

Pedro: Akin na po ang titi nyo..

Father: Ha?(^@&$%#

Pedro: Father magdyakol muna po kayo sa upuan..


Di na natiis ni father na bwisit na bwisit gustong makausap ang mga magulang na kasalukuyang natutulog.

Father: Walanghiya kang bata ka wala kang galang nasaan ba ang mga magulang mo?!

Pedro: Ay, nasa kwarto po nagkakantutan..

Father: Putangna kang bata ka bwiset

Quote for Today:

In order to change we must be sick and tired of being sick and tired.